PANDI, Bulacan — Muling naghatid ng pag-asa at oportunidad sa mga ka-Pandieño sa pangunguna ni Mayor Rico Roque na nais makapagsimula at mapalago ang kanilang kabuhayan through DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (Kabuhayan Program).
Sa pamamagitan po ng programang ito, ipinagkaloob ang mga sumusunod na livelihood starter kits at kagamitan:
- 10 Dressmaking Starter Kit
- 10 Siomai Rice Food Vending
- 10 Banana Cue Vending
- 10 Rugs Production
- 20 Welding Machine and other Kits
Kasabay din nito ang pagbibigay ng 60% wage ng 15 Special Program for Employment of Students (SPES) beneficiaries.

Ani Mayor Roque, “Sa bawat makinang ipinagkaloob, puhunan nito ay pag-asa. Sa bawat oportunidad na ating inihatid, pangarap ng Pandieño ang unti-unting natutupad.”
“Patuloy po kaming maghahatid ng mga programang may malasakit at tatak sERbisyong may puso at talino para sa bawat Pandieño,” dagdag pa ng alkalde. (UnliNews Online)

