Saturday, May 23, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSuspek sa pagpatay sa trike driver, nasakote ng Norzagaray PNP

Suspek sa pagpatay sa trike driver, nasakote ng Norzagaray PNP

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isa sa dalawang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang tricycle driver sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan kamakailan

Base sa ulat ni P/Maj. Demosthenes G. Desiderio Jr., OIC ng Norzagaray MPS, kinilala ang biktima bilang isang 54-anyos na tricycle driver at residente ng Sitio Tabtab, Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 12:40 p.m. noong Mayo 17, 2026 sa kahabaan ng A. Lawang St., Brgy. Poblacion, kung saan nagtamo ng tama ng bala sa noo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa pamamagitan ng masusing backtracking at pagsusuri ng CCTV footage sa paligid ng pinangyarihan ng insidente, natukoy ng mga pulis ang rutang dinaanan ng mga suspek bago at matapos ang pamamaril.

Lumabas sa imbestigasyon na ang mga suspek ay sakay ng isang kulay itim na Yamaha Aerox motorcycle. Ang driver ay nakasuot ng itim na cap, puting hoodie jacket, at brown shorts habang ang back rider naman ay nakasuot ng puting cap, puting long sleeves, at khaki shorts.

Bunsod ng masusing follow-up operation, nagsagawa ng Joint Hot Pursuit Operation ang mga Intel Operatives ng Norzagaray MPS katuwang ang mga tauhan ng PIU Bulacan PPO, 1st PMFC, 2nd PMFC, PIT Bulacan East, at RIU3 sa Sitio Pugpog bandang 6:00 PM noong Mayo 18, 2026. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isa sa mga suspek na residente ng naturang lugar.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up hot pursuit operations ang mga awtoridad para sa agarang pagkakaaresto ng isa pang suspek.

Samantala, humiling na rin ang Norzagaray MPS sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsasagawa ng paraffin examination sa naarestong suspek at sa Regional Crime Scene Unit 3 para sa initial firearms records verification bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News