Monday, July 27, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 suspek na may ‘bitbit’ na baril at shabu, timbog sa Pandi...

2 suspek na may ‘bitbit’ na baril at shabu, timbog sa Pandi police

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang armadong lalaki at ang kanyang kasamang menor-de-edad ang inaresto ng mga operatiba ng Pandi Municipal Police Station matapos ang insidente ng pananakot at pakikipagbuno sa mga barangay tanod noong Biyernes (July 24) ng hapon sa Brgy. Poblacion, Pandi.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Nelson M. Sardin, Hepe ng Pandi MPS, kinilala ang naarestong suspek na isang 29 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan. Kasama rin niyang naaresto ang isang menor de edad.

Nahaharap ang construction worker sa kasong Paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person), Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng traffic management ang isang barangay tanod nang mapansing mabilis na dumaan ang isang motorsiklo na minamaneho ng suspek kasama ang kanyang angkas.

Sa kabila ng pagsita upang magbagal, lalo pang pinaharurot ng suspek ang motorsiklo at nagbanta sa tanod. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang mga suspek, kung saan bumunot ng baril ang lalaking suspek.

Nagkaroon ng komosyon at agawan ng baril hanggang sa mahulog ito sa lupa. Tinangka umanong pulutin ng kasama ang baril ngunit agad itong nasamsam ng isa pang barangay tanod bago dumating ang mga rumespondeng pulis ng Pandi MPS.

Sa isinagawang pag-aresto, nakumpiska ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga P34,000.00, isang Taurus caliber .40 pistol (PT 24/7 PRO) na may magazine at limang (5) live ammunition, isang puting Yamaha Aerox motorcycle na walang plaka, at isang itim na belt bag.

Dinala ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Pandi MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Ang hinihinalang shabu ay isinumite sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination, habang ang nakuhang baril ay ipinadala sa Regional Civil Security Unit 3 para sa firearms examination at beripikasyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News