LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ang bagong samahan ng mga lehitimong mamamahayag na maghahatid ng mga makabuluhang balita gamit ang moderno at napapanahon na paraan na social media ay pormal na nanumpa kay Governor Daniel R. Fernando sa KB Gymnasium noong Lunes (Agosto 3).
Ang mga mamamahayag sa bagong samahan na Digital Writers’ Guild (DWG) ay kinabibilangan ng mga senior at pioneer reporters sa naturang lalawigan na bitbit ang tanging layunin na makapaghatid ng totoong balita gamit ang makabagong pamamaraan at teknolohiya sa mamamayang Bulakenyo.
Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ng samahang Digital Writers’ Guild ay sina: Ace Cruz – President; Theofel Santos – Vice President; Manny Dela Cruz – Secretary; Ronalyn Cruz – Asst. Secretary; Maverick Marcelo -Treasurer; Verna Santos – Auditor; at mga Advisers: Vic Billones, Freddie Velez, Carmela Estrope, at (Manny Balbin, Erick Silverio, wala sa larawan), mga Members: Erwin Bunag, Dick Mirasol, Allan Casipit, Sam Estrope, Rommel Manahan, Lalaine Santos, Louie Angeles, (Eloisa Silverio,wala sa larawan), kasabay ng Lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas, na ginanap sa Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan.
Batid ng mamamayan na mas mabilis at updated ang paghahatid ng mga balita na nagaganap sa lalawigan ng Bulacan kaya naman ito ang magiging sentro ng kalingan ng bagong samahan.
Kaya tumutok at mag-subscribe sa bawat page ng mga miyembro ng Digital Writers’ Guild upang maunang makaalam ng tunay na balita at detalyadong impormasyon ng mga kaganapan sa lalawigan.
Makabagong pagbabalita sa modernong panahon ng samahang walang katulad, ang Digital Writers’Guild (DWG). (UnliNews Online)

