Tuesday, May 21, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizE.A.T. ng TVJ at Legit Dabarkads umarangkada na sa TV5, emosyon bumuhos

E.A.T. ng TVJ at Legit Dabarkads umarangkada na sa TV5, emosyon bumuhos

BUMUHOS ang emosyon ng mga manonood sa naging launching ng bagong show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na may title na E.A.T. sa TV5 noong Sabado (June 1).

Sa pagtuntong pa lang ng tatlo sa studio ng TV5 ay naluha na ang sikat na trio kung saan hindi na napigilan ni Joey ang mapahagulgol bago pa man makaapak sa stage.

Kumpleto ang dabarkads sa pangunguna ni Maine Mendoza, Paulo Ballesteros, Jose Manalo, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at Carren.

Tila naging mini concert ang noontime show sa pagkanta ng paborito awitin kasama ang masigla at sabik na audience.

Ipinakilala rin ang mga bagong pakulo ng show sa mga susunod na araw.

Pinasalamatan din sa show ang naglalakihang sponsors na sinasabing hindi sila iniwan at sa halip ay dobleng suporta pa ang ibibigay ng mga ito.

Ipinakita rin sa show ang solid na suporta ng loyal fans mula sa malalayong probinsiya, maging sa Malacanang at ilang istasyon ng pulisya at militar.

Sa huli ay nangako ang trio sa mas pinasaya at pagbibigay ng pag-asa sa mga kababayan na makatulong upang maiahon sa kahirapan.

Masayang-masaya naman ang mga supporter na naghintay ng higit isang buwan para sa muling pag-ere ng TVJ matapos mag-resign sa TAPE Inc. sa GMA 7 dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya Jalosjos na syang nagpapatakbo ng Eat Bulaga sa nakalipas na 44 taon.

Source: Metro Sun Daily

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments