Thursday, July 18, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizJennica, very proud kay Melai Cantiveros

Jennica, very proud kay Melai Cantiveros

NAGING malapit sa isa’t isa sina Jennica Garcia at Melai Cantiveros mula nang magkasama sila sa movie na Ma’m Chief at sa You’re Lucky Day though una silang nagkasama sa Ur Da Boss ng PIE Channel.

Hindi maiwasan ni Jennica na maging emosyonal nang hingan siya ng mensahe para sa bagong milestone nito.

Nominado si Melai as Best Quiz or Game Show Host sa 28th Asian Television Awards sa isa sa episode ng Ur Da Boss.

Hindi napigilan ng aktres na maiyak habang nagbibigay ng mensahe kay Melai.

“Naiiyak ako kasi sobrang proud ko kasi sa’yo,” aniya.

“Gusto ko lang sabihin talaga na sobrang proud ko sa’yo talaga, partner, sobra talaga. Sobrang deserve mo ‘yung nomination. Tapos kasi siyempre, first time ko rin mapanood ‘yung buong ‘Ma’am Chief.’ Ang galing mo kasi.”

Pagpapatuloy pa niya: “Basta sobra talaga akong proud sa’yo. Sobrang masaya ako kasi alam kong marami kang mapapasaya sa movie mo, at saka napakahusay mo talagang artista. Hindi tama na i-box ka as a host kasi talagang bagay na bagay ka talaga sa big screen. We love you so much.”

Ayon naman kay Melai, na-touch siya sa mga sinabi ng anak ni Jean Garcia.
Sabi niya kay Luis (Manzano) habang sila ay nagba-vlog na mabait na tao si Jennica.

Kwento niya, “Alam mo Luis nang isama mo kami sa Your Lucky Day very happy siya, pero natatakot siya kasi baka hindi raw siya makasunod sa atin. Ako naman panay push ko sa kanya na ‘kaya mo yan.

Go lang ng go.’ Kasi may anxiety siya kinakailangan siyang itulak. Kaya nakikita nyo panay ang muestra ng kamay ko pag nasa kanya na ang camera. But i’m sure in a long run mawawala rin yun, ani ng misis ni Jason Francisco. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments