Thursday, July 18, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizBeth Oropeza, umaming may ‘love child’ sila ni Dante

Beth Oropeza, umaming may ‘love child’ sila ni Dante

INAMIN ni Elizabeth Oropesa na may anak sila ng aktor na si Dante Rivero.

Guest ni Snooky Serna sa kanyang vlog ang beteranang aktres at doon niya inamin ang nakaraan nila ni Rivero.

Tinanong kasi ni Snooky kung ang aktor ang isa sa kanyang great loves.
“Of course. We have one child,” pagbubunyag ni La Oropesa.

“Oh my goodness, ate. Nagulat ako,” ani Snooky.

Esplika naman ng beteranang aktres, “Hindi lang ako kasi madaldal. Hindi naman kami… noong araw kasi hindi uso ‘yun ‘di ba. Wala namang social media, and you don’t normally talk about your personal life before.”

Going to 40 years old na umano ang anak nila ni Dante.

May koneksyon pa rin daw naman silang dalawa.

“Yes. Friends kami. Walang problema at all.”

Apat ang kilalang anak ni Elizabeth: sina Henry, isang nurse; Genevieve o “Princess,” na anak niya sa dating boyfriend na si Mark Roces; Gabriel, mula sa kanyang marriage sa Chinese martial artist na si Meng Fei; at si Louie, na kanyang adopted son.

Pag-amin pa ni La Oro, “Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world.

Siya lang, walang iba.” (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments