Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionWomen's rights advocates, OK sa Absolute Divorce Bill’ (HB9349)

Women’s rights advocates, OK sa Absolute Divorce Bill’ (HB9349)

NAHATI ang boto sa senado sa usaping House Bill (HB 9349) ‘Absolute Divorce Bill’ na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na maghiwalay dahil sa hindi pagkakasundo at mahinto sa pagdanas ng pang-aabuso.

Umaasa ang karamihan sa mga mag-asawang dumaranas ng matinding pagsubok na maaring humantong sa paghihiwalay at ang batas na ito lamang ang paraan para sila ay makaalpas sa ganitong sitwasyon.

DINADAGSA ang opisina ni Atty. Jesseboy R. Grepo sa libreng serbisyo at legal na konsultasyon sa mga kaso gaya ng VAWC (Violence Against Women and their Children), cyber libel, child support, at iba pang criminal at civil na kaso. Tinatayang may 50-60 ang dumudulog sa kanyang legal office kada linggo sa General Trias City para makahingi ng payo at libreng konsultasyon. Si Atty. Grepo ay isa ring halal ng konsehal ng bayan at guro sa Lyceum of the Philippines University Cavite.

Ang bansang Pilipinas ay may matibay na paniniwala sa sagradong pamilya at hindi umaayon sa ganitong batas bagamat ang estado ay patuloy ang pangangalaga sa kasal bilang pundasyon ng isang pamilya. Ang mga ganitong sitwasyon ay nagbibigay ng tibay para sagipin ang tahanan na may bantang mawasak.

Isang pangunahin usapin ang magiging epekto ng diborsyo sa mga anak, pero tinitignan din ang resulta sa emosyon ng mga bata sa palagiang hindi pagkakasundo at pag-aaway ng mag-asawa na nasasaksihan sa loob ng tahanan.

Sa pagkahati sa senado ng panukalang pagkakaroon ng diborsyo sa bansa ay naging basehan ang alternatibong annulment sa pag-hihiwalay na mag-asawa. Binigyan diin sa senado na hindi kasama sa priority bills ang HB9349 at isinaalang-alang ang pagiging kristiano at katoliko ang bansa na binibigyang halaga ang pamilya. Maraming grupo ang nag-iingay sa hanay ng ‘women’s rights advocates’ at naniniwalang matagal na dapat itong naisabatas. Naniniwala ang grupo na ang batas na ito ang magpapalaya sa mga asawang babae sa masalimuot, mapang-abuso at katamlayan ng pagsasama sa mag-asawa.

Matibay ang paniniwala ni Albay Rep. Edcel Lagman na maisasakatuparan ang batas na ito para maibsan ang sakit para sa mga mag-asawang may problema sa kanilang pag-sasama at magpapalaya sa pamamagitan ng pag-papawalang bisa ang kasal na nakalugmok sa masalimuot na relasyon at lugmok sa problema.

Nakapaloob sa HB9343 ang mga dahilan ng pag-hihiwalay na kalimitang reklamo gaya ng dysfunctional marriage (s). Ang iba pang dahilan ang psychological incapacity, sex reassignment, irreconcilable differences, at domestic or marital na pang-aabuso.

Kasama sa probisyon ng batas na ito ang pagpayag na maari pang i- reconcile, ipa-dismiss o ipawalang bisa ang divorce petition kahit ito ay na-aprubahan na o nabigyan na ng absolute divorce ang mga nagreklamo.

Sa magkahalong reaksyon sa pag-sasabatas ng HB9343, may natuwa at tanggap ang panukalang ito lalo sa hanay ng mga asawa na nakakulong sa abusadong pag-sasama at nahihirapan sa mga legal na paraan para mapawalang bisa ang kanilang kasal o pagsasama. Kasama ang malaking gastusin at kumplikadong proseso ng paghihiwalay gaya ng annulment o legal separation.

Tumatagal sa korte at kailangan ng malaking pinansyal ang pagdinig ng ganitong mga kaso. Tinatayang 49.4 porsiyentong populasyon ang nag-reklamo base sa Philippine Statistical Authority (PSA) at nahirapan na ituloy dahil sa pinansyal na dahilan. Isa pang usapin ang kustodiya sa mga anak na dahilan para mag-alangan ang nag-rereklamo na ituloy ang kasong isinampa.

Hindi maiiwasan sa mag-asawa na humantong sa ganitong situwasyon at mauwi sa hiwalayan kung ito ay ‘toxic’ at wala ng kahihinatnan kungdi ang pag-hihiwalay. Mayroon advantage ang divorce kung ito ay maaprubahan bilang batas sa ganitong mga kaso.

Kung walang divorce law ay mahaharap ang asawa sa malaking gastos sa legal fees, walang dibisyon ng ‘assets’ at magiging isyu ang child support. Sa aking pananaw ay panahon na para bigyan ng pansin ang absolute divorce law sa bansa, ano pa ang dahilan ng pag-sasama at isalba ang relasyon kung may sakitan na -pisikal man o emotional, wala nang respeto dahil nawalan na ng pagmamahal sa kung ano man ang kadahilanan pa. Bigyang laya ang bawat isa at pag-usapan ang nararapat ayon sa gabay ng batas. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments