NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE — Arestado kamakailan ang isang babae na wanted sa 264 na kaso ng qualified theft sa Nueva Ecijal
Base sa ulat kay Col. Richard Caballero, police director ng Nueva Ecija, kinilala ang wanted na si Daisy Babiera, residente ng Purok 2 Champaca Street, Barangay Dicarma, Cabanatuan City at nakalista bilang Number 6 Most Wanted Person sa nabanggit na lalawigan.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa 264 counts ng qualified theft na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 27, Cabanatuan City noong Pebrero 13, 2023 na may inirekomendang piyansang P6,822,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Inilagay si Babiera sa kustodiya ng Cabanatuan City Female Custodial Facility para sa tamang disposisyon. (UnliNews Online)