Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsRoyal Family ng UAE, nagkaloob ng food packs sa mga binahang senior...

Royal Family ng UAE, nagkaloob ng food packs sa mga binahang senior citizens sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Dumating na sa Bulacan ang 416 na kahon ng mga family food packs na padala ng Royal Family ng United Arab Emirates (UAE) para sa mga nasalanta ng bagyong Carina sa Bulacan.

Sa pormal na pagtanggap ng Provincial Government of Bulacan sa pamamagitan ni Gobernador Daniel R. Fernando, nagbigay siya ng direktiba sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na prayoridad na makatanggap nito ang mga senior citizens na lubhang na binaha at mga walang-wala sa buhay.

BAWAT kahon ay naglalaman ng tig-apat na lata ng Tuna at chick peas, tig 2 pakete ng 400g na Pasta at Tang Powder Juice, tig 2 lata ng Delice Sweet Corn, Delice Green Peas, Delice Red Kidney at Foul Medames. May kasama rin itong tig-iisang balot na powder milk, wheat flour, tea powder, basmati rice, cooking oil, delice red lentils, delice chick peas, dates khalas, tomato paste, delice sugar, oats at salt. (Shane F. Velasco)

Naglalaman ang bawat kahon ng tig-apat na lata ng Tuna at chick peas, tig 2 pakete ng 400g na Pasta at Tang Powder Juice, tig 2 lata ng Delice Sweet Corn, Delice Green Peas, Delice Red Kidney at Foul Medames.

Kasama rin ang tig-iisang balot na powder milk, wheat flour, tea powder, basmati rice, cooking oil, delice red lentils, delice chick peas, dates khalas, tomato paste, delice sugar, oats at salt.

Bahagi ito ng nasa mahigit dalawang libong packs na ipinadala ng Royal Family sa iba’t ibang lugar sa bansa na naapektuhan din ng bagyong Carina.

Sa ngalan ng mga Bulakenyo, nagpahayag ng pasasalamat si Gobernador Fernando sa Royal Family ng UAE pagpapadala ng mga tulong na ito na pagpapatunay na isang mabuting kaibigan ang naturang bansa.

Ngayong 2024 ang Ika-50 Ginintuang Anibersaryo ng Diplomatikong Relasyon ng Pilipinas at UAE na naitatag noong Agosto 19, 1974 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. (UnliNews Online)

Source: PIA Bulacan

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments