PANDI, Bulacan — Pinuno ng saya at makabuluhang programa ng lokal na pamahalaan ng naturang bayan sa pamumuno ni Mayor Rico Roque ang weeklong celebration kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang ika-77th Founding Anniversary mula nang ganap na maging isang pamahalaan noong Abril 17, 1946.
Sa simula pa lang ng selebrasyon noong Lunes (April 10) isinagawa ang Pandi Week Kick-off Motorcade na ginanap buhat sa People’s Park patungong Real De Cacarong kasabay ito ng pagbubukas ng Night Market at Tax Payer’s Night.

Nang sumunod na araw ay binuksan naman ang isang trade fair na ginanap sa harap ng mismong munisipyo at sinundan na Job Fair at Livelihood Program.
“Nasa 1,200 ang job vacancies na handog ng nasa 19 local employers at 2 overseas companies sa naturang job fair na kung saan ay mahigit 600 na mga aplikanteng Pandienyo ang lumahok,” ani ng alkalde.
Binigyan din ang mga retiradong kawani ng Pamahalaan Lokal ng Pandi sa isang gabi ng parangal.
Inisa-isa rin ni Mayor Roque ang mga nakalinyang aktibidades sa naturang selebrasyon tulad ng Battle of Kakarong De Sili Off-Road Challenge, Kasalang Bayan, Zumbayanihan, Binyagang Bayan, Hari at Reyna Pre-Pageant, Pandi Got Talent, Concert at sa huling araw ay ang Coronation Night ng Hari at Reyna 2023. (UnliNews Online)