NAGHATID ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ng mga pagkain at food packs na nakalaan para sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa mga bayan ng Arayat, Bacolor, Sto. Tomas, San Simon, at Minalin nu’ng Linggo (Aug. 30).
Sa tulong ng mga kawani ng General Services Office (GSO), agad na inihanda ang mga ayuda upang maipamahagi sa ating mga kababayang apektado.
Ito ay paunang tulong upang may makain ang mga evacuees habang nagpapatuloy ang sakuna at habang hinihintay ang iba pang kinakailangang tulong at suporta.
Patuloy po nating ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng pamilyang apektado, gayundin ang mga patuloy na nagsasagawa ng rescue, relief, at iba pang disaster response operations. (UnliNews Online)
Source: Pampanga PIO

