Saturday, October 3, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPCSO nagkaloob ng mga ICT equipment sa kabataan ng Pandi

PCSO nagkaloob ng mga ICT equipment sa kabataan ng Pandi

PANDI, Bulacan — Nagkaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mga Information and Communication Technology (ICT) equipment sa PUP-Pandi, Mapulang Lupa Elementary School, at Pandi Heights Integrated School.

Pinangunahan ni Mayor Enrico Roque kasama ang ilang lingkod bayan sa pormal na pagsasagawa ng ceremonial turnover ng mga ICT equipment na gagamitin ng mga batang Pandieño sa kanilang digital learning.

“Malaking tulong po ang mga kagamitang ito sa pagpapalakas ng digital learning at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa ating mga paaralan. Mas marami na pong kabataang Pandieño ang magkakaroon ng pagkakataong matuto, humusay, at maabot ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Mayor Roque.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa PCSO at kay Dir. Jennifer L. Guevara sa patuloy na pagbibigay ng suporta at pakikiisa sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Bayan ng Pandi.

“Asahan po ninyo na ipagpapatuloy natin ang paghahatid ng mga programa at serbisyong may puso at talino para sa bawat Ka-Pandieño,” dagdag pa ng alkalde.

“Kapag may malaking pangarap tayo para sa ating bayan, naniniwala po akong ang Diyos ang siyang nagbibigay ng mga oportunidad at pangangailangang kailangan natin upang ito ay maisakatuparan,” saad pa ni Mayor Roque. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News