Monday, July 15, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsPresyo ng palay tumaas sa P33-P34 kada kilo

Presyo ng palay tumaas sa P33-P34 kada kilo

Ni Ramon Lazaro

BOCAUE, Bulacan — Pumalo na sa P33 hanggang P34.00 ang presyo ng kada kilo ng palay na dinadala sa Golden City Business Park at Intercity Industrial Estate sa nabanggit na bayan.

Ang Golden City at Intercity ay dalawa sa pangunahing rice trading center sa Luzon na nagsusuplay ng bigas sa kalakhang Maynila.

Ayon sa mga commercial rice traders sa mga nasabing establistamento, ang nasabing halaga ng palay ay depende sa kalidad at uri ng palay.

Sa nakalap na balita ng UnliNews Online, ipinaliwanag ni Tony Santos, isang rice trader na bago pumasok ang Bagyong Egay at Falcon, ang presyo ng palay ay nasa P28.00-P29.00 kada kilo.

Nitong nakalipas na lingo ay tumaas na naman ang presyo nito sa halagang P30.00-P31.00 kada kilo at nitong nakalipas na araw ng Martes ay muling tumaas sa halagang P33.00-P34.00, dagdag pa ni Santos.

Sinabi pa ni Santos na ang pagtaas ng presyo ng palay ay sa kadahilanan na wala pang inaaning palay ngayon panahon ng “rice lean months.”

Aniya, magsisimulang bumaba ang presyo ng palay, at maging ng bigas, kapag nagsimula na ang anihan sa mga rice-producing provinces sa Luzon.

Kinumpirma naman ni Malou Tolentino, isa ring rice trader, na simula nitong nakalipas na araw ng Martes ay pumalo na sa halagang P33 ang presyo ng kada kilo.

Dahil dito, inaasahan ng mga rice traders na aabot sa halagang P2,600 kada 50-kilo sako ng bigas ang magiging wholesale price ng bigas sa Golden City at Intercity at papatak naman ito ng P2,700 hanggang P2,800 kada kaban pagdating na sa mga rice retailers. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments