Thursday, December 5, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsFernando, ipinag-utos ang pagtugis sa mga suspek sa pamamaril sa hepe ng...

Fernando, ipinag-utos ang pagtugis sa mga suspek sa pamamaril sa hepe ng pulis sa San Miguel

LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pagtugis sa mga suspek na bumaril kay P/Lt. Col. Marlon G. Serna, Acting Chief of Police ng San Miguel MPS, na naging dahilan ng kamatayan nito at nag-alok ng karagdagang P200,000 pabuya sa sino man na makapagsasabi ng kinaroroonan ng mga suspek matapos ang nangyaring engkuwentro sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan .

Naiulat ang insidente sa San Ildefonso MPS bandang alas 10:00 ng gabi sa pamamagitan ng tawag sa telepono at ang biktima, kasama ang isang sugatang 17 anyos na residente ng Brgy. Soledad, Sta Rosa, Nueva Ecija na nagngangalang Jay Jay Gabriel Dela Cruz, personal driver ng COP, ay agad na isinugod sa Emmanuel Hospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ang San Ildefonso MPS sa pangunguna ni Serna ng follow-up investigation at operasyon hinggil sa insidente ng pagnanakaw sa Brgy. San Juan, San Miguel at habang nasa kalagitanaan ng pagtugis sa Brgy. Buhol na Mangga ay natagpuan nila ang mga suspek na sakay ng MIO motorcycle at agad na pinaputukan ang rumespondeng grupo na tumama sa ulo ni Serna bago tuluyang makatakas patungong Brgy. Akle, San Ildefonso, Bulacan.

Kasabay ng kasalukuyang imbestigasyon ng Police Regional Office 3, inatasan ni Fernando ang Bulacan Police Provincial Office na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at panagutin ang mga ito sa kanilang krimen.

“We have our BPPO to conduct investigations with utmost seriousness and rigor to identify the suspects and we will make sure that justice will be served for the death of our police officer. Nananawagan rin ako sa kapwa nating mga Bulakenyo na ipag-bigay alam kaagad sa mga kinauukulan kung may impormasyon hinggil sa mga suspek. Sinisiguro ko na mananagot sa batas ang nasa likod ng pamamaril na ito,” anang gobernador.

Ipinaabot din niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Serna na buong tapang na naglingkod upang gampanan ang kanyang mga tungkulin para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Maliban kay Fernando, nag-alok din ng mga pabuya ang iba pang opisyal na sina Secretary of the Interior and Local Government Benjamin Abalos, Jr. na P500,000; P500,000 mula kay Mayor Richrad Tiongson ng San Miguel, P300,000 mula kay PBGEN. Jose S. Hidalgo, Jr., Police Regional Office 3 Directo; at P200,000 mula kay PNP Chief PGEN. Rodolfo Azurin, Jr. na umabot na sa halagang P1.7 milyon na maaaring humantong sa pagkakaaresto sa mga suspek. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments